Add parallel Print Page Options

Sa mga kalapit ng dakong iyon ay may mga lupain ang pangulo ng pulong iyon. Ang pangalan niya ay Publio. Tinanggap niya kami at kinupkop ng tatlong araw na may kagandahang-loob. Nangyari na ang ama ni Publio ay nakaratay at maysakit na lagnat at disinterya. Pumasok si Pablo at ipinanalangin siya. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya at siya ay pinagaling. Nang mangyari nga ito, pumaroon naman ang ibang may mga karamdaman sa pulo at sila rin ay pinagaling.

Read full chapter